Sa aking pagkakaunawa, ang literal na kahulugan ng akdang
Dugo sa Ulo ni Corbo ito ay isang kwento tungkol sa hayop na bagong silang pa
lamang na siyang natuklasan ng isang batang Ador, ang batang tagapangalaga sa
kalabaw na si Corbo. Si Ador ay nabibilang sa pamilya na nakatira sa isang nayon
na ang pangunahing pinagkukunan ng pamumuhay ay pagsasaka. Ngunit sa kalaunan
ng kwento ay nag-iba ang pananaw ko sa pamagat ng kwentong ito na may itinatagong
nilalaman. Matapos kong unawain ang akda, ang kwentong ito ay sumisimbolo ng
karahasan at kamatayan na siyang sumisira sa kamusmusan ng bawat batang
isinisilang sa mundo. Bukod sa kung sino pa man, ang mga bata ang lubos na
naaapektuhan sa mga ganitong pangyayari tulad ng sinapit ni Corbo sa umpisa ng
kwento, at siyang sinapit din ni Ador sa katapusan, ang digmaan. Kung ating
uunawain, ang karahasan, at kamatayan ay kadikit na ng bawat nilalang na isinisilang
sa mundong ito sa ayaw man natin o gusto, lahat tayo ay hahantong sa di
kanais-nais na katapusan kung ito ang nakatadhana sa atin.
NOTICE TO READERS: This is a personal blog. Any views or opinions represented in this blog are personal and belong solely to the blog owner and do not represent those of people, institutions or organizations that the owner may or may not be associated with in professional or personal capacity, unless explicitly stated.
Monday, January 1, 2018
Subscribe to:
Posts (Atom)
Dugo sa Ulo ni Corbo
Sa aking pagkakaunawa, ang literal na kahulugan ng akdang Dugo sa Ulo ni Corbo ito ay isang kwento tungkol sa hayop na bagong silang pa ...
-
Sa aking pagkakaunawa, ang literal na kahulugan ng akdang Dugo sa Ulo ni Corbo ito ay isang kwento tungkol sa hayop na bagong silang pa ...