Monday, January 1, 2018

Dugo sa Ulo ni Corbo

Sa aking pagkakaunawa, ang literal na kahulugan ng akdang Dugo sa Ulo ni Corbo ito ay isang kwento tungkol sa hayop na bagong silang pa lamang na siyang natuklasan ng isang batang Ador, ang batang tagapangalaga sa kalabaw na si Corbo. Si Ador ay nabibilang sa pamilya na nakatira sa isang nayon na ang pangunahing pinagkukunan ng pamumuhay ay pagsasaka. Ngunit sa kalaunan ng kwento ay nag-iba ang pananaw ko sa pamagat ng kwentong ito na may itinatagong nilalaman. Matapos kong unawain ang akda, ang kwentong ito ay sumisimbolo ng karahasan at kamatayan na siyang sumisira sa kamusmusan ng bawat batang isinisilang sa mundo. Bukod sa kung sino pa man, ang mga bata ang lubos na naaapektuhan sa mga ganitong pangyayari tulad ng sinapit ni Corbo sa umpisa ng kwento, at siyang sinapit din ni Ador sa katapusan, ang digmaan. Kung ating uunawain, ang karahasan, at kamatayan ay kadikit na ng bawat nilalang na isinisilang sa mundong ito sa ayaw man natin o gusto, lahat tayo ay hahantong sa di kanais-nais na katapusan kung ito ang nakatadhana sa atin.

Dugo sa Ulo ni Corbo

Sa aking pagkakaunawa, ang literal na kahulugan ng akdang Dugo sa Ulo ni Corbo ito ay isang kwento tungkol sa hayop na bagong silang pa ...